GMA Logo Tadhana Walang Kawala
What's on TV

Pinay OFW na nalagay sa illegal POGO hub, tampok sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published October 17, 2025 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards preparing for upcoming medical drama series ‘Code Gray’
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Walang Kawala


Pinay OFW, pwersahang pinasok sa illegal POGO hub, matulungan kaya siya ng nobyo niyang naiwan sa Pilipinas?

Sa Tadhana: Walang Kawala, matinding kalbaryo ang sinapit ng isang Pinay OFW na si Sarah (Shaira Diaz) matapos siyang puwersahang ipasok sa isang illegal POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) hub sa Cambodia.

Ayon sa kwento, lihim na humingi ng tulong si Sarah sa kanyang nobyong si Kenneth (Yasser Marta) sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng litrato na magpapatunay sa mapanganib na kalagayan niya.

Ngunit nang mabisto ito ng kanyang illegal recruiter, lalo pang tumindi ang pagpapahirap sa kanya. Hindi na niya alam kung makaliligtas pa siya sa kamay ng mga taong patuloy na umaabuso at nagbabantang huwag siyang magsumbong.

Samantala, agad na kumilos si Kenneth upang alamin ang buong katotohanan. Pinuntahan niya si Claire (Thea Tolentino), ang babaeng pinaghihinalaan niyang may kinalaman sa pagkakadala ni Sarah sa naturang POGO hub. Sa kabila ng panganib, determinado si Kenneth na mailigtas ang kasintahan mula sa kalunos-lunos na kalagayan nito.

Malalaman kaya ni Kenneth ang buong katotohanan? Maililigtas pa ba niya si Sarah sa kamay ng mga mapagsamantalang recruiter?

Sundan ang nakakaantig na kuwento ng Tadhana: Walang Kawala ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7, at sabay-sabay nating panoorin ang livestream sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube.


Balikan ang nakaraang episode ng Tadhana: Walang Kawala: