
Sa pagpapatuloy ng Tadhana: Fake Love, lahat ay kayang gawin ni Pilar (Amy Austria) mapigilan lang ang pag-alis ni Stefen (Damon Matthew Tapp) sa Pilipinas -- kahit na ibigay pa niya ang buong ipon at mangutang sa dating amo sa Espanya.
Pero ang inaakala na AFAM lover ni Pilar, isang scammer pala.
Bukod sa pagiging heartbroken, butas din ang bulsa niya.
Paano makakabangon ang pamilya ni Pilar mula rito?
Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Fake Love ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.