GMA Logo Bree Jonson
Celebrity Life

Pinay visual artist na si Bree Jonson, nailibing na

By EJ Chua
Published September 30, 2021 10:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Bree Jonson


Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Bree Jonson.

Nailibing na ang visual artist na si Bree Jonson sa isang private cemetery sa Davao City.

Pasado alas tres ng hapon noong Miyerkules, September 29, ilang mga kaanak, kaibigan at kasama sa industriya ng Sining ang nagsama-sama para ihatid si Bree sa kanyang huling hantungan.

Bumuhos ang emosyon ng mga kaanak ni Bree dahil sa kanyang biglaang pagkamatay.

Muling nanawagan ang ina ni Bree Jonson sa mas mabilis na pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.

September 18, 2021, nang natagpuang patay si Bree Jonson sa isang resort room sa San Juan, La Union.

Base sa initial result ng unang autopsy nito, napag-alamang asphyxia o kawalan ng sapat na oxygen sa katawan ang sanhi ng pagpanaw ni Bree.

Ito ay ayon kay Police Regional Office 1 director Brigadier General Emmanuel Peralta.

Hindi idinetalye ng pulisya kung ano ang nag-trigger ng asphyxia ng dalaga dahil hinihintay pa raw ang iba pang resulta na makakatulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng biglaan pagkamatay ni Jonson.

Marami mang lumalabas na impormasyon tungkol sa nangyari kay Bree Jonson, buo pa rin ang paniniwala ng kanyang ina na may foul play sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak.

Hustisya ang hiling ng mga kaanak at kaibigan ni Bree Jonson.

Samantala narito ang ilan pang celebrities at personalities na binawian ng buhay ngayong 2021: