GMA Logo Pinky Amador, Sue Prado
Photo courtesy: Pinky Amador (Facebook)
What's Hot

Pinky Amador, inalala ang late actress na si Sue Prado

By EJ Chua
Published April 18, 2026 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Huwag Kang Titingin | Princess Aliyah and Fred Moser
Diesel rollback of P26/liter, gasoline by P3.50/liter seen next week
Local furniture atelier unveils new collection inspired by growth and beginnings

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador, Sue Prado


Nagbigay-pugay si Moira (Pinky Amador) sa kanyang former 'Abot-Kamay Na Pangarap' co-actress na si Sue Prado.

Isa si Pinky Amador sa Filipino celebrities na nagluluksa sa pagpanaw ng film at TV actress na si Sue Prado.

Naging magkatrabaho sina Pinky at Sue sa hit medical-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, kung saan nakilala sila bilang sina Moira at Mildred.

Isang social media post ang inilaan ng seasoned actress para kay Sue at dito ay inalala niya ang moments nila sa set ng naturang serye.

Makikita rito ang photo ng dalawa kasama ang former lead star sa Abot-Kamay Na Pangarap na si Jillian Ward.

Sulat ni Pinky sa caption ng kanyang post, “Paalam Sue M. Prado, higit 2 months tayong magkasama at magka-eksena bilang “Mildred” nuong nakulong (ng ilang beses) si “Moira Tanyag” sa #AbotKamayNaPangarap. In this pic bday nuon ni Jillian Ward sa set.”

Kasunod nito, ibinahagi niya ang kanyang mensahe para sa late actress, “Maraming salamat sa pakisama, pagmamahal sa sining, at pagka-mapagbigay habang nasa set tayo. You will be missed. Vaya con dios [Goodbye/God be with you].”

Si Sue ay binawian ng buhay nitong April 14, 2026, sa edad na 44.

Related gallery: Showbiz personalities pay tribute to Sue Prado