GMA Logo pinky amador
What's on TV

Pinky Amador, may paraan para di masakit ang sampal sa co-actor

By Nherz Almo
Published July 6, 2023 6:08 PM PHT
Updated July 7, 2023 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

pinky amador


Kahit mismong si Pinky Amador ay nagagalit na rin kay Moira Tanyag, “Grabe naman 'tong si Madam… Lahat na lang ng character dito naaway ko na.”

Mag-iisang taon na ang hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap. Sa tagal nito, marami na ring nasigawan, nasabunutan, at nasampal ang aktres na si Pinky Amador dahil sa pagganap niya bilang si Moira Tanyag, ang pangunahing kontrabida sa programa.

Aminado ang batikang aktres na kahit siya mismo ay nagagalit na sa kanyang karakter.

“Oo naman!” matinding sagot ni Pinky nang tanungin siya ng entertainment media kung naiinis din siya kasamaan ng kanyang karakter.

Patuloy niya, “Parang grabe naman 'tong si Madam, lahat na lang pinatulan. Lahat na lang ng character dito naaway ko na.”

Sa dami ng nasampal niya, nilinaw naman ni Pinky na wala siyang nasaktan nang matindi sa mga ito. Kaugnay nito, inilahad niyang mayroong tamang paraan para hindi makasakit ng kapwa aktor sa isang sampalan scene.

Sabi niya, “Ako kasi, sa daming beses ko nang nanampal without actually touching them. Lahat ng sampalan namin ni Ms. D [Dina Bonnevie], walang umabot dun kahit isa. Pero minsan naman, may co-actor kang humihingi ng sampal.

“Actually, there's a trick to it… I took up stage fighting. Ang pananampal mo ay yung fingers mo, hindi aabot dito sa palm para ito lang [dulo ng mga daliri]. Dampi lang, kumbaga. Kapag matunog, kailangan nangangalahati ito [turo sa taas ng palad].”

Bagamat may ganitong paraan, may ilang co-actors daw niya ang humihiling na totohanin ang pananampal ni Moira Tanyag. Isa na rito ang bida ng Abot-Kamay na Pangarap na si Jillian Ward.

Pag-aalala niya, “Actually, may isang eksena nang umaga, 'tapos puyat na puyat siya from the night before na halos walang tulog. So, nung naghihintay siya for her scene, nakakatulog na siya. Noong time na ito na, darating na siya, sasampalin ko, 'Pak!' hindi niya nasasabi yung line niya.

“'Tapos, nag-request siya na, 'Direk, paabutin na po natin [yung sampal].' So, pagkaabot nga, ayun, dire-diretso na with matching tears, waterfall. At ito, walang nakalimutan, hindi nag-buckle.”

Dahil daw rito, makikita kung gaano kahusay ang dalagang aktres. “This goes to show that when push comes to shove, doon makikita ang galing mo, di ba?” ani Pinky.

Panoorin ang eksenang tinutukoy ni Pinky rito:

Katulad ni Jillian, minsan ding daw humiling si Carmina Villarroel na totoohanin ang sabunutan nila sa isang eksenang kinunan nila kamakailan lang.

“Kami ni Carmina, pwedeng [nagkasakitan sa] sabunutan kasi ang dami naming sabunutan,” ani Pinky.

“Sabi niya, 'Ate Pinks, iganun talaga.' Sabi ko, 'Anak, masakit.' 'Hindi, iganun mo talaga para mukhang totoo.'”

Panoorin ang eksena rito:

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG PANG GIGIL MOMENT SA PAGITAN NINA JILLIAN, CARMINA VILLARROEL, AT KAZE KINOUCHI SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP: