GMA Logo Pinky Amador, Lola Virginia
What's on TV

Pinky Amador meets Lola Virginia, ang viral lola na galit kay Moira

By EJ Chua
Published September 17, 2024 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador, Lola Virginia


Nakaharap ni Pinky Amador ang 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewer na trending ngayon online.

Tila sobrang effective ng pagiging kontrabida ng seasoned actress na si Pinky Amador sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilalang-kilala ngayon si Pinky bilang si Moira/Morgana, ang salbaheng ina ni Zoey (Kazel Kinouchi).

Mula pa noong unang nakilala ang kanyang karakter sa serye, marami na ang gigil sa kanya dahil sa kanyang pang-aapi sa mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel and Jillian Ward).

Kabilang sa viewers na talaga naming inis na inis sa ugali ni Moira/Morgana ay ang isang lola mula sa Pampanga na si Lola Virginia.

Viral ngayon ang isang video ni Lola Virginia kung saan habang nanonood siya ng isa sa episodes ng serye ay inaaway niya si Moira/Morgana.

Sa latest Instagram post ni Pinky, makikita ang Instagram Reel, kung saan ipinasilip ang face to face na pagtatarayan ng aktres at ni Lola Virginia.

A post shared by Pinky Amador (@pinkyamador)


Ang paghaharap ng dalawa ay itinampok sa newsmagazine program sa GTV na Dapat Alam Mo.

Samantala, kung si Lola Virginia ay galit dito, ang lola naman ni Kazel Kinouchi na si Lola Pacita ay kakampi ni Moira/Morgana.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapan at award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: