GMA Logo Pinky Amador
What's on TV

Pinky Amador, nagpapagpag para makabitaw kay Moira Tanyag ng 'Abot-Kamay na Pangarap'

By Nherz Almo
Published July 1, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador


Inilarawan ni Pinky Amador kung paano siya bumibitaw sa ginagampanan niyang karakter na si Moira Tanyag sa 'Abot-Kamay na Pangarap.'

Katulad ng ibang mga kontrabida, hindi rin maiwasan ni Pinky Amador ang makatanggap ng hate messages mula sa mga manonood ng Abot-Kamay na Pangarap. Ang aktres kasi ay gumaganap bilang si Moira Tanyag, ang pangunahing kontrabida sa naturang GMA Afternoon Prime series.

Sa loob ng walong buwan, natutunan na raw ni Pinky kung paano tatanggapin ang iba't ibang reaksiyon ng mga manonood.

“I deal with them in different ways,” pahayag ni Pinky sa ginanap na pocket press conference na inihanda para sa kanya ng ALV Talent Management noong Miyerkules, June 28.

“Yung iba, kapag talagang bastos na like there are slurs or they're cussing, yung di lang nadala sa istorya, minsan ini-screenshot ko at pino-post ko. Para naman may accountability tayo nang kaunti, di ba?

“Pero yung mga nadadala lang sa shoot, okay lang yun. Kasi, if you really know the power of storytelling, may madadala at madadala. Kaya nga kayo nandiyan, di ba, para madala sila sa kuwento ninyo.”

Sa ngayon, wala pa naman daw siyang natanggap na pisikal na atake dahil sa kanyang pagiging masama sa teleserye.

Pero nabanggit ni Pinky, “Kunwari, nagte-taping kami sa mall, medyo may dalawang escort na nakadikit sa akin kasi baka raw bigla na lang akong hablutin.”

Kasunod nito, ipinaliwanag niya kung paano niya iniintindi ang mga nagagalit sa kanya, “At saka yung audience kasi namin are women my age, so they're the ones who are really emotional. They're the ones who really have time to watch the show, right? Talagang nadadala sila. Minsan, wala namang kinalaman yung post, talagang barda sila kung barda.

“But hey, at the end of the day, darling, that's engagement, di ba? Kung iintindihin mo sa ganung paraan. Pero minsan, talagang masakit silang magsalita.”

Ayon kay Pinky, sa halip na sumagot sa mga nagagalit na manonood, mas magandang gawin itong pagkakataon para ipaalala sa kanila na iba ang karakter na ginagampanan ng mga aktor sa tunay nilang personalidad.

“Actually, may isang netizen na nag-start ng #hatethecharacterlovetheactress. Parang in-adapt namin yun. Parang feeling ko naman there's always an opportunity to educate your community. Di ba, yung power mo sa Facebook, yung power mo sa TikTok. There's always an opportunity to turn something not so nice into something nice.”

Sa kabila ng mga negatibong komento at reaksiyon, ikinatutuwa naman ni Pinky ito dahil ibig sabihin ay epektibo ang kanyang pagganap bilang si Moira. At kaugnay nito, pinasasalamatan niya ang mga tao sa likod ng Abot-Kamay na Pangarap, lalo na ang direktor nilang si L.A. Madridejos.

“Huwag ako lang kasi hindi naman ako ang nagsusulat ng lines ko, di ba?” sabi ni Pinky ng purihin siya ng isang miyembro ng entertainment media.

Katuwiran niya, “I have to give credit to our director. Hindi lang niya akong hinahayaan na puro galit, 'O, let's go emotional.' He has the grasp of the show and what each character plays to push the story forward. So, ma-appreciate mo kasi ang dami ko ring natutunan sa kanya, 'Ay, hindi pala ito puro barda lang, hindi lang puro sabunutan.'”

Aminado si Pinky na hindi rin madali ang gumanap bilang kontrabida, lalo na ang karakter niyang si Moira na madalas ay galit at sumisigaw. Kaya naman pagkatapos ng trabaho, minsan ay may sinusunod siyang ritwal para makabitaw sa kanyang karakter.

“Alam mo yung kapag pumupunta ka sa [burol ng] patay kailangan mong mag-pagpag? Ganun, talagang kailangan gumawa ka rin ng way mo sa sarili mo na parang hinuhugasan mo. Minsan kasi, especially I drive home, nauuwi mo talaga sa bahay.

“So, talagang minsan manonood ako ng Netflix, makikinig ako ng spa music, magha-hot bath ako. Gagawa talaga ako ng parang detox kasi, isipin mo, buong araw kang naninigaw, nanampal, nananabunot. Physically and emotionally challenging siya. Siyempre, tao ka lang, alangan naman wala doon ang nakakaapekto sa 'yo, di ba?” paglalahad ni Pinky sa huli.

TINGNAN ANG MGA BAGONG KINAIINISANG EKSENA NI MOIRA TANYAG SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP: