What's on TV

Pinky Amador, nakatampuhan noon si Isay Alvarez?

By Dianne Mariano
Published May 4, 2022 4:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pinky Amador


Bakit kaya nagkaroon ng tampuhan sina seasoned theater actresses Pinky Amador at Isay Alvarez noon?

Inamin ni seasoned theater and TV actress na si Pinky Amador na nagkaroon sila ni Isay Alvarez ng tampuhan noon.

Binanggit ni Pinky ang pangalan ng kanyang kapwa artista sa segment na “Pasabog na Chika” ng Mars Pa More, kung saan tinanong ang una kung sinong celebrity ang nakatampuhan nito noon pero bati na ngayon.

Ayon kay Pinky, nangyari ang tampuhan nila ni Isay noong mga araw nila sa Miss Saigon, kung saan sila'y kabilang sa original cast.

PHOTO COURTESY Mars Pa More show page

Paliwanag ng aktres, “Sa Miss Saigon pa ito, matagal na ito. Nagkatampuhan lang kami kasi ang tingin namin kay Isay [Alvarez] noon parang siya 'yung mother hen namin dahil siya 'yung pinakamatanda.

“S'yempre between close friends, inaasahan mo na naiintidihan naman ako siguro n'yan. And then up to now, na-prove ko na kahit dumating 'yung mga pagsubok sa buhay ko, nando'n pa rin sila para sa akin. So, very thankful ako.”

Panoorin ang "Pasabog na Chika" segment kasama sina Pinky Amador at Pokwang sa Mars Pa More video sa itaas o dito.

Para sa mas marami pang celebrity feature tulad nito, subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m., sa GMA.

Samantala, balikan ang most-viewed episodes ng Mars Pa More noong 2021 sa gallery sa ibaba.