What's on TV

'Pinocchio,' mapapanood na simula July 1

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 8:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News



Mula sa screenwriter at direktor ng Korean hit TV series na 'I Hear Your Voice,' narito ang isa na namang sweet at magaang kuwento na may halong kaunting fantasy.
By MARAH RUIZ

 
Mula sa screenwriter at direktor ng Korean hit TV series na I Hear Your Voice, narito ang isa na namang sweet at magaang kuwento na may halong kaunting fantasy. Sa mundo ng Pinocchio, may mga taong hindi puwedeng magsinungaling dahil may karampatang reaksyon ang kanilang mga katawan sa kahit anong kasinungalingang lalabas sa kanilang mga bibig.
 
Isa na rito si Trina Choi na sinisinok kapag nagsabi siya ng kasinungalingan dahil sa kanyang Pinocchio Syndrome. Ngunit taliwas sa ibang taong may syndrome na ito na sinisikap paikutin ang kanilang mga salita, magiging prangka si Trina at hindi iindahin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa mga salita niya. 
 
Salungat naman kay Trina si Darren Choi, isang lalaking buong buhay niyang nagpapanggap. Sa tunay na buhay ay siya si Marco Ki na isang genius. Ngunit pinipili niyang itago ito para na rin sa kapakanan ni Hugo, ang matandang lalaking umampon sa kanya na siya ring lolo ni Trina. 
 
Sabay silang papasok sa mundo ng pamamahayag, kung saan ang katotohanan ay minsang nababaliwala o sadyang naiiba. 
 
WATCH: Hindi puwedeng magkaila sa Pinocchio 

Dalawa sa pinakamaningning na Korean young stars ang kabilang sa Pinocchio. Si Park Shin Hye ng Stairway to Heaven at Miracle in Cell Number 7 ang gaganap bilang Trina, habang si Lee Jong Suk ng I Hear Your Voice naman ang gaganap bilang Marco/Darren. 
 
Humakot din ng awards sa Korea ang Pinocchio. Umani ng Best Actor si Lee Jong Suk sa 2th Grimae Awards noong 2014 at pati na rin ng Popularity Award sa 51st Baeksang Arts Awards nitong 2015. Napasama naman sila ni Park Shin Hye sa Top 10 Stars ng SBS Drama Awards noong 2014. Sila rin ang naging Best Couple sa nasabing awards ceremony. 
 
Abangan ang kanilang kuwento sa Pinocchio, simula July 1, 10:00 pm sa Heart of Asia, GMA!