
May bagong adventure at bagong kuwento si Dingdong Dantes na dapat tutukan ngayong June 12 sa Amazing Earth.
Photo source: Amazing Earth
Sa episode ngayong Linggo, mapapanood sa Amazing Earth ang Pinoy actor na ating napanood sa Squid Game, si Christian Lagahit.
Mula sa South Korea, mapapanood natin ang actor at Filipino teacher sa kanyang nature adventure tour mula sa kanyang mga paboritong lugar sa Land of the Morning Calm.
Sa Pilipinas naman mapapanood ang kuwento ng ilang mga residente mula sa Negros tungkol sa piglet na may dalawang ulo. Sa tulong ng isang animal expert ay matututunan natin kung ano ba ang condition na polycephaly.
Kaabang-abang rin ang mga kuwento ni Dingdong mula sa nature documentary na Deadly Hunters: Small But Deadly.
Tutukan ang bagong episode na ito ng Amazing Earth ngayong Linggo, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Samantala, balikan ang Amazing Earth adventures ni Dingdong Dantes dito: