
Ini-reveal na ang bagong sorpresa ni Big Brother para sa Pinoy viewers at netizens.
Sa pagpapatuloy ng 20th anniversary ng Pinoy Big Brother, muling magsasanib-puwersa ang GMA (Kapuso) at ABS-CBN (Kapamilya) para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa susunod na updates, ipakikilala na ni Kuya ang "Mga Sikat na Kabataang Pinoy" na papasok sa kaniyang bahay.
Ang bagong housemates na magsasama-sama sa Bahay Ni Kuya ay mula sa Sparkle at Star Magic.
Sinu-sino kaya sila? Ano pa kaya ang susunod na mga sorpresa ni Big Brother?
Abangan ang muling pagbubukas ng iconic house, malapit na.
Related gallery: Bonding moments ng 'PBB Celebrity Collab Edition' housemates sa outside world