
Tuesday showdown ng young stars mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ang aabangan sa Family Feud!
Ngayong March 24, magkakaroon ng special reunion ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 finalists at maki-celebrate ng “four-ever ang tawa, four-ever ang saya” anniversary ng Family Feud.
Mapapanood sa Team Play and Slay ang "Demure Daughter of Quezon City" at Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano. Kasama niya sa Tuesday episode ng Family Feud ang "Blooming Bunso ng Tacloban" at Kapamilya Big Winner na si Lella Ford; ang "Rising Dreamer of Muntinlupa" at Kapamilya 3rd Big Placer na si Joaquin Arce; at ang "Longing Sweetheart of Las Pinas" at Kapuso 3rd Big Placer na si Ashley Sarmiento.
Magpapakita naman ng galing sa pagsagot sa Team Guts & Glory ang "Fighting Prince ng Taguig" at Kapuso 2nd Big Placer na si Heath Jornales. Kasama niya sa episode na ito ang "Wishful Waray ng Samar" at Kapamilya 2nd Big Placer na si Krystal Mejes; ang "Royal Songstress ng Bulacan" at Kapuso 4th Big Placer na si Princess Aliyah; at ang "Adorable Smasher ng Bulacan" at Kapamilya 4th Big Placer na si Miguel Vergara.
Abangan ang showdown ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 “Ultimate 8” sa Family Feud ngayong March 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.