GMA Logo Ultimate 8, PBB 2 0
Courtesy: Pinoy Big Brother, GMA, ABS-CBN
What's Hot

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night, ngayong February 28 na

By EJ Chua
Published February 27, 2026 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ash emission resumes on Kanlaon Volcano in Negros Island
Mayon Volcano logs lava-collapse PDC
GMA Network Welcomes Courtesy Visit from Soka Gakkai

Article Inside Page


Showbiz News

Ultimate 8, PBB 2 0


Papangalanan na ngayong Sabado ang Kapuso at Kapamilya Big Winners sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0!'

The long wait is over dahil ipakikilala na ni Kuya ang mga Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

*Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Talaga namang kaabang-abang ang mga mangyayari sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night na gaganapin ngayong Sabado February 28.

Hindi dapat palampasin ang pinakahihintay ng lahat na announcement tungkol sa Big Winner at pati na rin ang Big Placers sa edisyong ito.

Bukod pa sa mga ito, may pasabog na performances din ang ex-housemates at iba pang guests gaya nina Charlie Fleming at P-pop group na Cloud 7.

Sino kaya kina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Heath Jornales, Princess Aliyah, Lella Ford, Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara ang mag-uuwi ng title na Big Winner?

Sabay-sabay nating samahan ang mga Kabataang Pinoy housemates sa kanilang paglabas sa Bahay Ni Kuya at sa pagsalubong sa kanila ng outside world.

Huwag palampasin ang mga pangyayari sa huling gabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong Sabado na, February 28, sa special timeslot nito na 7: 15 p.m..

Mapapanood ang big event ng live sa GMA at Kapuso Stream.

Maaari ring subaybayan ang mga pahabol na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.