
Naghatid ng good vibes ang pagdating nina Will Ashley, Bianca de Vera, at Dustin Yu bilang houseguest sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity: Collab Edition 2.0.
Pero, mukhang na-joke time si Bianca ni Big Brother nang makausap nito sa confession room.
Sa isang bahagi ng episode ng PBB, 'tila pabirong sinabi ni Kuya kina Will at Dustin na may kasama pa pala sila.
Sabi ni Kuya sa former housemates, “Oh! May kasama pala kayo?”
Sabay sabi ng 'Hi' ni Bianca at na-miss daw niya kausap si Big Brother.
Tugon naman ni Kuya kay Bianca, “Nandito ka pala Esnyr… Ibang-iba na hitsura mo.”
Makikita na humagalpak ng tawa sina Will at Dustin sa biro na ito ni Big Brother.
Napa-hirit naman ang Kapamilya actress na, “Kuya! It's Bianca, remember! Bianca, you're 'Sassy Unica Hija ng Taguig.”
Nakarating naman kay Esnyr ang nangyari sa pagbisita ni Bianca sa Bahay ni Kuya at post niya sa X: “Nalito si kuya, sabi ko sa'yo magkamukha tayo teh”
Nalito si kuya, sabi ko sa'yo magkamukha tayo teh @biancadeveraa☺️
— Esnyr (@esnyrrr) December 4, 2025
Kahit ang mga netizen napa-smile sa mga nangyari at natuwa na nagbalik ang tatlo sa Pinoy Big Brother. Busy sa promotion ang tatlo para sa Metro Manila Film Fest 2025 entry nila na 'Love You So Bad.'
RELATED CONTENT: Get to know 'PBB' housemate Bianca de Vera