
Isa si Henry Cavill sa Hollywood stars na nakahuli sa puso ng mga Pinoy. Kaya naman, mainit ang naging pagtanggap sa kaniya ng Pinoy fans nang bumisita siya sa Pilipinas noong 2019 upang i-promote ang unang season ng Netflix series na The Witcher.
Sa one-on-one interview ni Chika Minute reporter Nelson Canlas kay Henry, inamin nito na unforgettable para sa kaniya ang pagkikita nila ng Filipino fans sa bansa noon.
Kuwento ni Henry "The fans of the event are absolutely amazing, it has so much energy there, so much excitement and I had such a good time."
Umaasa raw ang aktor na muli niyang makikita ang mga tagahanga niya sa Pilipinas pagkatapos ng pandemya.
Mapapanood muli si Henry sa season 2 ng The Witcher sa Netflix.
Panoorin ang kabuuan ng interview ng 24 Oras sa Hollywood actor DITO:
Samantala, silipin ang naging pagbisita ni Henry Cavill sa Pilipinas noong 2019 sa gallery na ito: