GMA Logo sine sindak 5
Source: viva_films on Instagram
What's Hot

Pinoy films, kayang makipagsabayan sa Asian horror movies

By Nherz Almo
Published October 14, 2024 8:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

sine sindak 5


Kalahok ang Pinoy horror movies na 'Nanay, Tatay' at 'Pasahero' sa annual horror film festival na Sine Sindak 5.

Malakas ang paniniwala ng mga direktor na sina Roni Benaid at Roman Perez Jr., na nakakasabay na sa husay ang pelikulang Pilipino sa Asian horror films.

Ito ang kanilang naging pahayag nang tanungin sila ng GMANetwork.com sa ginanap na press conference ng annual horror movie festival na Sine Sindak 5 kamakailan.

Ani Direk Roni, “Napansin ko po na nag-a-adapt na tayo, nakakahabol na tayo talaga. Kasi, alam naman natin na kapag Southeast Asia, ang taas talaga ng standard sa horror. May laban po ang Pinoy horror. Hindi po ako nawawalan ng pag-asa, na aabot tayong malampasan yun in the future. Lumalaban naman tayo, nag-e-evolve tayo, at nag-a-adapt tayo.”

Ayon naman kay Direk Roman, “Sa kulturang popular, laging pinag-uusapan na ang mga Pinoy ang hilig sa horror, 'di ba? Kung ebolusyon ang pag-uusapan, sumasabay naman tayo, e. Nagkataon lang na, siyempre, magkakaiba ang taste ng audience at ng cinema goers. Lalo na ngayon, iba-iba na ang mga kabataan ngayon and iba-iba na ang kinatatakutan nilang mga bagay. Kagaya ng sobrang bumaba ang pelikula sa streaming platform kung saan man ito nanggagaling. Pero siyempre, kung kumpetisyon at paglaban, malakas tayo.”

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Nabanggit din ng dalawang direktor na marami pang maaring maging inspirasyon ng istroya ng Pinoy horror movies.

Paglalahad ni Direk Roni, “Napansin ko rin po, siguro tayong mga Pinoy mas mahilig tayo sa paranormal, sa multo, sa espiritu. Sa experience ko lang, mas tinatangkilik yung mga possession, multo.

“Siguro may opportunity pa tayo para i-explore and to develop yung mga aswang, engkanto. Kasi, marami tayong folklore creatures, e, na hindi pa natin naipapakita sa big screens. Sana mabigyan din ng chance ang mga Pinoy na mapanood din nila.

Katuwiran pa niya, “Kasi, yung mga naghi-hit din naman na, halimbawa, Indonesian o Thai, folk creatures po nila ang naghi-hit doon. Tayo, marami tayo dito na, sa tingin ko, hindi lang mas tinatangkilik kasi kaluluwa-centric tayong mga Pilipino. So, may malaking opportunity yung mga kinatatakutan nating folklore creatures dito sa Pilipinas.”

Sumang-ayon naman dito si Direk Roman, “Marami tayong kuwento na mas interesting sa kanila. Mas maraming matatakuting mga Pilipino at gustung-gusto nating tinatakot tayo ng kung sinuman. Gustung-gusto ng mga Pilipino.”

A post shared by SM Cinema (@sm_cinema)

Si Direk Roni ang direktor ng horror movie na Nanay, Tatay, samantalang si Direk Roman naman ang nag-direk ng suspense movie na Pasahero. Ang parehong pelikula, na iprinodyus ng Viva Films, ay kabilang sa mga mapapanood sa Sine Sindak 5. Kabilang din dito ang Indonesian movie na The Thorn: One Sacred Night (Sengkolo) at Japanese movie na House of Sayuri. Mapapanood din ang mga pelikulang My Mother's Eyes, MADS, at V/H/S Beyond mula sa Crystal Sky Entertainment.

Ang Sine Sidak 5 ay mapapanood sa SM Cinemas simula October 30 hanggang November 5.

Samantala, tingnan ang mga kinatatakutang Pinoy horror movies dito: