GMA Logo espen Haugland and family
What's Hot

Pinoy na inampon at dinala sa Norway, nahanap ang pamilya sa Albay

By Kristian Eric Javier
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated January 31, 2024 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

espen Haugland and family


Alamin ang kuwento ng pagkikita ng isang anak na nawalay sa kaniyang tunay na ina.

Isa sa mga pinakamakhirap na mangyari sa isang tao ay ang mawalay sa pamilya. At sa kaso ni Espen Haugland, isang taon pa lang siya nang mawalay sa kaniyang ina matapos ipaampon dahil sa hirap ng buhay.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, ibinahagi ni Espen na isang taong gulang pa lang siya nang ampunin ng mga kinikilalang mga magulang mula sa isang children's home sa Legazpi City. Isang Norwegian couple ang umampon sa kaniya.

“Why was I chosen, I'm not quite sure. Their only demand was that they wished to adopt a baby boy,” pagbabahagi niya.

Aminado si Espen na dahil naiiba siya, habang lumalaki, ay nakaranas siya ng bullying mula sa kaniyang mga kaklase kaya naman, minsan ay tinanong niya ang kaniyang adoptive parents tungkol dito.

“I was just asking why I look different, and they told me that I was originally born in the Philippines,” sabi niya.

Ngunit kahit ganun ang naranasan niya ay wala siya umanong bitterness na naramadaman mula sa kaniyang adoptive at legitimate parents.

“I have this start of my life and sometimes, people were joking or bullying me with like, 'you came from so poor beginnings,' But after in life, I've had my sweet revenge because I used it to thrive and to succeed with the things that I've set out to accomplish,” sabi niya.

Dahil sa kaniyang pagpupursigi ay nakapagpatayo siya ng sarili niyang kompanya at ngayon ay CEO na nito. Ayon kay Espen ay interesado siya sa startup companies at entrepreneurship.

Ngunit kahit masaya at successful na si Espen ay ginusto pa rin niyang mahanap ang kaniyang tunay na pamilya. Ayon pa sa kaniya, dahil rin ito sa kaniyang girlfriend na si Anna Johannesen dahil napag-uusapan na rin nila ang pagbuo ng sariling pamilya.

“I felt that I needed to have a good answer to my own children, 'Where is Dad's country and where is he from?'” pagbabahagi niya.

Kaya naman, bilang panimula sa kaniyang pag-iimbestiga, ay tiningnan ni Espen ang kaniyang adoption papers. Dito, nakita niya ang pangalan ng kaniyang ina na si Eufemia Daria.

“Papers said that I was my mother's first child. Where do you start? How do you look for someone among hundreds of millions of people? It felt really hopeless,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “I sometimes imagine how my life would have been if I would have stayed in the Philippines with my mother. But at the same time, I think that her choice not only blessed me with the life I've lived in Norway.”

Ngunit nilinaw din niya na wala nang galit o disappointment sa kaniya, at sinabing napatawad na niya ang ina sa ginawa nitong pagpapa-ampon sa kaniya. At dahil sa kagustuhang mahanap ang ina, nag-post si Espen ng panawagan sa Facebook at ilang tao ang nagbigay ng impormasyon kung nasaan ito.

KILALANIN ANG PINOY SHOWBIZ PERSONALITIES AT KANILANG ADOPTED KIDS SA GALLERY NA ITO:

Sa tulong nito ay nahanap rin ng KMJS si Eufemia, at ang anak nitong si Melvin. Sa interview niya sa KMJS ay ibinahagi ni Eufemia na pinaampon niya si Espen noong four days old palang ito.

“[Gusto kong] ibigay sa taong magkakaroon siya ng magandang kinabukasan. Kung mamatay ako edi mayroon mag-alaga sa kaniya,” sabi niya.

Dagdag pa ni Eufemia, “Kahit binigay ko ang anak ko, napaiyak ako, sabi ko, 'ganito pala ang pakiramdam ng ina 'pag and anak mo, ipinamigay sa iba.”

Ibinahagi rin ni Eufemia na patuloy pa rin ang kaniyang pagdarasal na makitang muli ang kaniyang panganay na anak kaya sa tulong ng KMJS ay natupad ang kahilingan ng mag-ina na magkita ulit nang lumipad mula Norway sina Espen at Anna noong bisperas ng bagong taon.

“Malakas po ang lukso ng dugo na siya po talaga ang tunay kong anak,” pagbabahagi ni Eufemia nang makita niya si Espen.

Malaki rin ang pasasalamat ni Espen na sa wakas ay nakita na niya ang kaniyang totoong pamilya, at ipinangakong aalagaan niya ang mga ito.

“I feel so lucky, so happy to find my mother and my brother. And now, we have special relationship after this time. I hope we can share many good moments together in the future,” sabi ni Espen.

Dagdag pa nito, “I'm not sure it's possible to make up for all the years we didn't spend together. What I'm focusing on now is the time which is coming and the years that we can have in the future.”

Sa ngayon ay nag-aapply na si Espen ng dual citizenship. Bukod pa rito, balak na rin niyang gamitin ang kaniyang Filipino name na Jerad Marquez Daria. Bukod pa diyan ay ipinahayag din ni Espen ang kagustuhan niyang makapunta sina Eufemia at Melvin sa Norway sa hinaharap.

Panoorin ang buong segment ng KMJS dito: