GMA Logo Spaghetti, Drink Water, Abcd Aeiou
What's on TV

Pinoy na may kakaibang pangalan, tampok sa 'Bawal Judgmental'

By Jimboy Napoles
Published March 24, 2023 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Spaghetti, Drink Water, Abcd Aeiou


Kilalanin ang mga Pinoy na may kakaibang pangalan at alamin ang kanilang mga kuwento DITO:

Isang nakakaaliw na episode ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga ang napanood kamakailan tampok ang ilan sa mga Pinoy na may kakaibang pangalan.

Kasama sa choices sina Spaghetti '88 Revisa, Drink Water Rivera, Mcdonald Pangindian, at ABCDE AEIOU Mendoza.

Si Spaghetti na mula sa Sta Maria, Bulacan ay may mga kapatid pa na sina Macaroni 85, at Sincerely Yours 98. Kuwento ni Spaghetti, ang kaniyang ama na si Senando ang nagpangalan sa kanila nito dahil ayaw raw nito na maging simple lang ang kanilang pangalan.

Ayon pa kay Spaghetti, pinangalanan niya rin ang kaniyang mga anak bilang sina Cheese Pimiento, Parmesan Cheese, at ang kaniyang magiging bunso bilang si Mozzarella Cheese.

Bagamat good vibes ang hatid ng kaniyang pangalan, mayroon ding disadvantages ito ayon kay Spaghetti.

“Ma'am Spaghetti mayroon na bang moment sa buhay mo na parang naging cause 'yung pangalan mo para maging disadvantage sa'yo?,” tanong ng host na si Alden Richards.

Sagot naman ni Spaghetti, “Mayroon po, ito pong pagkuha ko ng mga government ID. Hindi pa po ina-accept ng government natin na mayroon akong number [sa pangalan] so lagi po akong may affidavit na si Spaghetti at si Spaghetti '88 ay iisang tao.”

“So may legal repercussions din kapag medyo kakaiba ang pangalan,” ani naman ni Ryan Agoncillo.

Samantala, kuwento naman ni Drink Water ng Cardona, Rizal, mahilig daw uminom ng tubig ang kaniyang ina noong siya ay ipinagbubuntis pa. Nais rin umano ng kaniyang ina na siya ay maging living reminder to 'drink water.'

Nakatutuwa rin ang kuwento ni Mcdonald mula sa Bacoor, Cavite dahil mayroon din siyang kambal na ang pangalan naman ay Jollibee. Ayon sa kaniya, ang kanilang pangalan ay isinunod sa pangalan ng kanilang tiyahin na isang restaurant din na si Shakeys.

Ang isa pang “Bawal Judgmental” choice na si ABCD AEIOU, ginawa raw unique ang kaniyang pangalan ayon sa kaniyang magulang upang wala itong maging kapangalan sa pagkuha niya ng mga dokumento.

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.

SILIPIN ANG MILESTONES NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: