
Nakuha ng Pinoy pop boy group na SB19 ang 6th spot sa Top Social 50 Artists of 2020 ng Billboard.
Sila ang tanging Filipino act na pasok sa top 10 kung saan kasama nila ang K-pop groups na BTS, EXO, NCT 127, SEVENTEEN, TXT, ATEEZ, at BLACKPINK, pati na ang American singers na sina Ariane Grande at Billie Eilish.
Nagpasalamat naman ang grupo sa suporta ng kanilang fans, ang A'TIN.
"Thank you for the recognition, @billboardcharts And of course, to our beloved A'TIN, thank you for all of the unimaginable plot twists in our life. Too grateful to have you. Stay amazing, guys! " sulat ng grupo sa kanilang official Instragram account.
Ang Top Social Artist ng Billboard ay base sa fan interactions tulad ng music streaming at social engagement sa mga social media accounts ng isang grupo o singer.
Ang SB19 ay binubuo nina Josh, Sejun, Stell, Ken, and Justin.
Katatapos lang ng kanilang matagumpay na first online concert na 'Monsoon Relief' kung saan inihandog nila ang proceeds nito sa mga naapektuhan ng Typhoon Ulysses sa Marikina.