
Bagong kuwento at adventure ang mapapanood ngayong February 13 sa Amazing Earth.
Sa episode ngayong Linggo, ikukuwento ni Dingdong Dantes ang buhay ng Pinoy snake-handlers.
Ang real-life Pinoy snake-handlers turned snake advocates ay sina Larry Bulanadi at Alfred Santos. Si Larry ay kilala bilang si Cobra King at ang protégé niyang si Alfred ay gamit ang pangalang Zuma.
Samantala, matutunghayan rin sa Linggong ito ang kuwento ng zebra, elephants, leopard, at iba pa sa mga bagong adventures na hatid ng "Serengeti: Exodus."
Tutukan ang Amazing Earth ngayong February 13, 5:20 p.m. sa GMA Network.