GMA Logo Pipay on Your Honor
What's on TV

Pipay, inalala kung paano ginamit ang kantang 'Sampung Mga Daliri' sa pambu-bully sa kaniya

By Aedrianne Acar
Published November 24, 2025 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bongao, Tawi-Tawi declares state of emergency over fuel shortage
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Pipay on Your Honor


Content creator na si Pipay, nagkuwento ng mapait niyang karanasan sa bullying nang sumalang sa 'Your Honor.'

Nag-open up ang Your Honor resource person na si Pipay sa pagsalang niya sa session ng Your Honor nitong Sabado, November 22. Binalikan niya ang naranasang verbal at physical bullying noong kabataan niya dahil sa kaniyang congenital hand defects.

Sikat na content creator na ngayon si Pipay at minsan din siyang napanood sa high-rating GMA Prime series na Black Rider na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

Kuwento ng Your Honor guest na maganda naman daw ang buhay niya noong bata siya, pero nag-iba nang pumasok na siya sa ekuwelahan.

Lahad niya sa House of Honorables, "Actually, maganda naman ang life ko noong bagets. Kaya lang, noong nag-start ako pumasok sa school, ewan ko parang nawala lahat ng confidence, ganoon. Kasi parang naka-meet ka ng mga bagong tao,"

Dagdag ni Pipay, "'Yung mga bullying na na-try ko noong elementary days ko talaga, parang anong nangyari sa kamay ko? Naputokan daw ba ng fireworks? Ganoon. Basta parang kukutsain ka nang kukutsain at tatargetin talaga sa'yo physical."

Bukod sa verbal bullying, naging target din siya ng physical bullying ng ilan niyang schoolmates.

Ibinahagi rin niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, kung paano raw ginamit ang nursery rhyme na “Sampung Mga Daliri” para laitin siya noon.

"Actually, noong elementary yes, parang, mostly, mga lalaki sa school. Parang nag-i-start 'yung mga pride sila. Parang pa-alpha-alpha sila eh. Maliit ako noong elementary," sabi niya

"Tapos, parang kinakaya-kaya nila ako. Kasi, ano, very, soft talaga ako. Very feminine. Tapos, parang, mostly, ang friends ko talaga mga babae. So, ngayon, mga lalaki, grupo-grupo, parang, pinagtitripan, kinukuha 'yung bag ko or pagkakunwari 'yung mga kanta-kanta sa school 'yung 'Sampung Mga Daliri,' nagtitinginan sila sa akin, nagtatawanan ganoon. Wala naman ako pakialam.

Dagadag pa niya, "Dahil siguro, may mga friendship ako to support. Iba rin talaga 'yung mayroon kang support system sa school… na parang tutulong sa 'yo sa ganon at maganda 'yung foundation na nabubuo mo sa bahay talaga."

RELATED GALLERY: PIPAY, SUMABAK SA MATINDING TANUNGAN KAY BOY ABUNDA