
Hindi nagpatalo sa sizzling heat wave ang content creator na si Pipay!
Kamakailan, confident na ibinahagi ng influencer ang kaniyang beach-ready figure sa kaniyang social media pages. Suot ang kaniyang lilac two-piece bikini, tila supermodel ang atake ni Pipay sa kaniyang beach photos.
"Isa lang promise," aniya.
Kaagad pinusuan ng fans ang kaniyang mga larawan, hanga sa fit at curvy figure ng internet star. Marami rin ang hindi nagpatalo sa biruan at ibinahagi ang kanilang mga nakakatawang komento online.
"Minsan joker, madalas mother!" ani ng isang fan.
"Gandaaa naman mhiema," papuri ng isa pa.
Isa si Pipay sa mga naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang bilib sa sarili. Bagama't hindi niya maiwasan ang ilang hate at bullying ng iba, mas pinili ni Pipay na mamahagi ng good vibes online.
Maliban sa social media, napanood din si Pipay sa 2025 high-rating GMA Prime series na Black Rider.
Balikan ang pagbisita nina Macoy Dubs at Pipay sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito: