
Tuloy ang laban ng buong Encantadia sa mga Mine-a-ve at sa makapangyarihang Reyna ng Nyebe na si Mitena (Rhian Ramos) ngayong Lunes, June 30.
Sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, sa pangunguna ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) at Hara Armea (Ysabel Ortega) haharapin ng Encantadia ang mga kalaban.
Ipinasilip din ang mangyayaring tapatan ng kapangyarihan nina Sang'gre Pirena at Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) laban kay Mitena.
Gayundin, ang paghaharap nina Adamus (Kelvin Miranda) at Deia (Angel Guardian).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: