
Isa ang online content creator na si Ian Mark Kamangkang, o kilala bilang “Pitik Queen,” sa mga dumalo sa kasal ng OPM singer na si Dionela at ng kanyang long-time girlfriend na si Meizy Mendoza.
Sa Instagram, ibinahagi ni Pitik Queen na siya ay dumalo bilang surprise guest sa kasal nina Dionela at Meizy.
Makikita sa video na sinalubong nina Dionela at Meizy si Pitik Queen ng isang mahigpit na yakap sa reception. Sa isa pang video, makikitang nagbigay rin siya ng sample ng kanyang sayaw.
@kharamaki when Dionela gets married and suddenly pitik queen @Ian Mark Kulan Kamangkang comes out of nowhere! #softmoves #pitikqueen ♬ original sound - HIROMI | @kharamaki on IG
Nagpasalamat din si Pitik Queen sa dalawa sa imbitasyon sa kanilang kasal.
“Thank you for inviting me. I am honored to witness your special day as a [newlywed] couple,” sulat niya sa caption.
Ikinasal sina Dionela at Meizy noong March 30. Nag-propose si Dionela kay Meizy noong opening night ng kanyang The Grace Tour Manila noong November 21, 2025.
Samantala, sumikat si Pitik Queen dahil sa kanyang signature moves sa viral track na “Hawak Mo Ang Beat,” na naging dance craze sa iba't ibang social media platforms.
Kilalanin si Sir Ian Mark Kamangkang o Pitik Queen dito: