What's on TV

Playful Kiss: Gelo kisses Honey?

By Bianca Geli
Published October 10, 2021 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran Oil Warning Ano ang epekto sa Pilipinas kung umabot sa $200/barrel ang langis? | GMA Integrated Newsfeed
Get to know this buko sherbet vendor who looks like Chris Brown
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

playful kiss recap


Ang isang study session, mauuwi ba sa first kiss nina Gelo (Kim Hyun-joong at Honey (Jung So-min)?

Habang nasa family beach trip ang pamilya ni Gelo (Kim Hyun-joong) at Honey (Jung So-min) ay muntikang malulunod ang nakababatang kapatid ni Gelo. Agad na to the rescue si Honey kahit hindi rin ito marunong lumangoy.

Si Gelo ang magliligtas sa dalawa mula sa pagkalunod. Nang dahil sa pagsunod niya kay Gelo, malalagay sa alanganin ang buhay ni Honey.

Pagbalik ng dalawa sa eskwela ay stress mula sa college entrance exams ang bubungad sa kanila.

Kahit ayaw sa umpisa ni Gelo ay tutulungan niya si Honey na makahabol sa klase at maging handa para sa college entrance exams.

Isang gabi, habang nasa karaoke ang kanilang pamilya, maiiwan sa bahay sina Honey at Gelo para magaral.

Ang simpleng tutoring session nila mauuwi sa hindi inaasahan nang muntik halikan ni Gelo si Honey?

Ito na kaya ang kanilang unang "playful kiss"?

Panoorin ang Playful Kiss, Lunes hanggang Biyernes, 2 p.m, sa GTV!