
Tampok ang dalawang kakaibang kuwento tungkol sa mga buhay ng mga karaniwang tao sa digital channel na I Heart Movies.
Sa romantic family drama film na Ploning, gaganap si Judy Ann Santos bilang Ploning, isang masipag at matulunging babae mula sa Cuyo, Palawan.
Hinihintay niya ang pagbabalik ng kanyang kasintahan na lumuwas ng Maynila, 14 taon na ang nakalilipas. Isang araw, magde-desisyon si Ploning na hanapin ito sa Maynila.
Umani ang Ploning ng parangal na Best Director para kay Dante Nico Garcia at nominasyon para sa Best Screenplay/Script sa Asian Festival of First Film Awards na ginanap sa Singapore.
Tunghayan ang Ploning sa October 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Makapigil-hininga naman ang excitement sa Dyamper na pinagbibidahan nina Alchris Galura, Carlo Aquino at Timothy Mabalot.
EMBED Inside image: dyamper
Alt text: Dyamper
Tungkol ito sa isang grupo ng magkakaibigan na tumatalon sa mga truck ng bigas para magnakaw ng mga maaari nilang ibenta.
Malalagay sila sa mas matinding peligro nang aksidenteng makakuha ang isa sa kanila ng pakete ng droga.
Huwag palampasin ang Dyamper, October 7, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.