
Proud na inanunsyo ng Baguio-based singer-songwriter at AltG Records artist na si Plume na ang latest single niyang "Panggap" ang theme song ng isa sa mga bagong Lakorn ng GMA na Love At First Night.
Talaga namang bagay bilang theme song ng Love At First Night ang "Panggap" na tungkol sa isang tao na sinusubukang ibaling ang lungkot sa pag-imbita ng taong dumaraan din sa kaparehong sitwasyon para magpanggap na masaya.
"'Yung 'Panggap' po is about someone pretending to be happy. Habang nagpe-pretend s'ya he wanted to find someone to pretend with," paliwanag ni Plume.
"Through their journey of pretending they actually learn how to be genuinely happy. Dati nagpapanggap lang silang masaya, ngayon totoo na silang masaya," dagdag niya.
Ang Love At First Night ay pinagbibidahan ng Thai superstars na sina Yaya Urassaya Sperbund at Mark Prin Suparat, na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
Samantala, mapapakinggan na ang "Panggap" sa iTunes, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital music platforms worldwide.