
More Tawa, More Saya ang latest resource person na ipinatawag nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor.
Makakasama sa show ang sikat na content creator na si Warren Daniel Osinaga o mas kilala bilang si Poca.
Sa session ng Your Honor na tinawag na 'In Aid of Social Climbing: Hanggang Saan Aakyat?', sinagot ng internet personality ang tanong ni Madam Cha: "Masama ba ang pagiging social climber?"
Pag-amin ni Poca, “Dumating ako sa point na parang kailangan ko magpanggap ng konti to fit in. 'Yung iba kasi, when you say social climber parang they are putting too much effort to the point na sila na 'yung naapektuhan just to try to fit in.”
Source: Your Honor
Abangan din ang kuwento ni Poca tungkol sa pagiging parte niya sa music video ng P-pop Kings na SB19!
Hearing na, vodcast pa! Makisaya, mga Ka-YouLOL sa 'Your Honor,' ngayong March 21, pagkatapos ng 'Pepito Manaloto' sa YouLOL YouTube channel.
RELATED CONTENT: TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars