GMA Logo poca content creator
Source: Your Honor
What's Hot

Poca, inalala nang mura-murahin ng customer sa dating trabaho

By Aedrianne Acar
Published March 22, 2026 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NFA to buy palay by end of March to avoid higher prices amid surging fuel costs
This new book revisits Filipino cinema's best
'Huwag Kang Titingin' drops chilling movie poster

Article Inside Page


Showbiz News

poca content creator


Pinatotoohanan ng content creator na si Poca ang 'toxic culture' sa business process outsourcing (BPO) industry. Basahin dito

Patibayan ng loob at sikmura ang na-experience ni Poca, o Warren Daniel Osinaga sa totoong buhay, noong nagtrabaho siya sa business process outsourcing (BPO).

Naikuwento ng kilalang content creator ang toxic culture sa call center nang mag-guest siya sa Your Honor.

Sabi niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Nung nag-resign ako, trainer ako nun. So, product trainer... When you say product trainer, lahat ng batches na papasok, ikaw 'yung magti-train sa kanila kung ano 'yung mismong gagawin nila on a daily basis.

"Medyo matrabaho rin. Hindi talaga madali lalo na kung hindi ka komportable sa language, hindi ka komportable dun sa product, sa tao, sa irita nila. Minsan sa shift pa pang gabi ka pa, antok na antok ka pa.”

Totoo din daw ang mga moment na minumura ng isang irate o toxic customer.

Pagbabalik-tanaw ni Poca, “Kung hindi ka pa sanay sa call center culture, maapektuhan ka, dadamdamin mo siya. Pero as you go along [on your] journey... Pagkatapos ng irate na customer, minsan, mumura-murahin ka pa. May mga ganun, mumura-murahin ka, minsan maapektuhan ka talaga. Magmu-mute ka tapos maiiyak, may ganun moments.”

Nakakabigla rin daw na may customer na tumawag at sinabing 'idiot' daw ang mga Filipino.

Lahad niya sa House of Honorables, “Ang pinaka nakaka-stress 'yung tinanong pa 'yung, 'Where you guys calling from?' 'We are calling from Manila, Philippines.'"

Sabay banat daw sa kaniya, “'You guys are idiots!' Ganiyan-ganiyan, hala, dinamay pa 'yung nation”

Panoorin ang kabuuan ng kuwento ni Poca sa Your Honor video na ito:

Related gallery: Dating trabaho ng celebrities bago sila nakilala