
Ipinakita na ang billboard ng pelikula nina Tiktoclock host Pokwang at Glaiza De Castro na Slay Zone.
Sa Slay Zone gaganap si Pokwang bilang Police Captain Corazon Fernandez at si Glaiza naman ay mapapanood bilang si V.
INSET: 10
IAT: Slay Zone movie
PHOTO SOURCE: @wide_international
Ang kaabang-abang na mystery-thriller film na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio at produced ng Wide International Film Productions.
Ayon sa post ng Sparkle makikita ang billboards nina Pokwang at Glaiza para sa Slay Zone sa iba't ibang lugar tulad ng NLEX Meycauayan, EDSA Ortigas, at España.
Iikot ang kuwento ng Slay Zone sa lugar na tinatawag na Pulang Araw kung saan magkakaroon ng sunod-sunod na patayan.
Makakasama rin nila Pokwang at Glaiza sa pelikula sina Maui Taylor, Rigo Barrera, Abed Green, Queenay Mercado, Richard Armstrong, with the special participation of "Kuya" Kim Atienza.
Abangan ang Slay Zone sa mga sinehan sa darating February 14.