GMA Logo pokwang and andrew e
What's Hot

Pokwang at Andrew E, aksidenteng nagkita sa Boracay

By Jimboy Napoles
Published May 16, 2022 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and andrew e


Magkaiba man ang kandidatong sinuportahan, respeto pa rin ang nanaig nang magkita sina Pokwang at Andrew E. sa Boracay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita ang actress-comedienne na si Pokwang at ang rapper na si Andrew E sa isla ng Boracay kamakailan.

Matatandaan na naging maingay ang pangalan ng dalawa sa kasagsagan ng kampanya dahil sa kanilang pag-e-endorso sa kanilang napusuang mga kandidato.

Si Andrew E ay isa sa mga naging main performer sa campaign rallies nina presumptive President Bongbong Marcos at presumptive Vice President Sara Duterte habang si Pokwang naman ay masigasig na ikinampanya si incumbent Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa katatapos lamang na eleksyon 2022.

Magkaiba man ng sinuportahan na kandidato, makikita sa Instagram post ni Pokwang na masaya ang kanilang naging pagkikita ni Andrew kasama ang kani-kanilang mga pamilya habang naghahapunan sa isang resort sa Boracay.

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

"Sa bandang huli, respect," caption ng aktres sa kanyang post.

Dagdag pa niya, "Dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya."

Nagkomento naman sa post na ito ni Pokwang ang kapwa komedyante at First Lady star na si Kakai Bautista.

"Amen!!!!!!!!," komento ni Kakai.

Samantala, mapapanood naman si Pokwang bilang si Becca Pacheco sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, Lunes hanggang Biyernes, 9:45 PM sa GMA Telebabad.

Kilalanin naman sa gallery na ito ang ilan pang mga sikat na celebrity na nagpakita ng suporta sa kanilang mga kandidato sa nagdaang eleksyon 2022.