GMA Logo Pokwang at Coach Jay
Photo source: FTWBA
What's on TV

Pokwang at Coach Jay, paano nga ba bilang judge sa 'Stars on the Floor'?

By Karen Juliane Crucillo
Published October 13, 2025 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Start of Traslacion to Lapu-Lapu City
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang at Coach Jay


Basahin dito kung ano ang hinahanap nina Pokwang at Coach Jay sa ultimate top dance star duo bilang dance authorities sa 'Stars on the Floor.'

Sa likod ng mga magagandang performances sa Stars on the Floor, matalas ang obserbasyon nina Pokwang at Coach Jay pagdating sa pagtukoy ng isang tunay na winning performance bilang dance authorities ng programa.

Sa kanilang pagbisita sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, October 13, ibinahagi nina Pokwang at Coach Jay kung ano ang hinahanap nila sa magwawaging ultimate dance star duo.

“'Yung ano, 'yung unique, halimbawa matapos man 'yung programa, tatatak talaga sa mga nakapanood na halimbawa maririnig na yung si ano ganyan, sila yan ang galing nila dyan, gusto ko talaga 'yung may iiwang tatak,” paliwanag ng Dance Comedienne of the Dance Floor.

Maliban sa angking galing at talento, naniniwala naman si Coach Jay na mahalaga ang effort na ibinibigay sa pagsasayaw, lalo na para makita ang tunay na passion ng dance stars sa pag-perform.

“Para sa akin kasi, pwedeng ikaw 'yung pinakamagaling pero hindi ka ready. Matatalo ka ng ready, kahit hindi sila ang pinakamagaling, pero sila ang pinakahanda,” aniya.

Dagdag pa niya, “Mas may fire.”

Kasama nina Pokwang at Coach Jay sa dance authority panel ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Tutukan sila sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Abangan ang final dance battle sa October 18!

Samantala, kilalanin dito si Coach Jay: