
Sa pagpasok ng bagong taon, naghahanda na rin ang comediennes at bida ng Metro Manila FIlm Fest (MMFF) film na Becky and Badette na sina Pokwang at Eugene Domingo para sa mga goals na gusto nilang ma-achieve sa paparating na taon.
Sa interview nila sa Updated with Nelson Canlas, ibinahagi ni Eugene na isa sa mga outlook at gusto niyang mangyari sa 2024 ay ang gumawa pa ng magagandang pelikula. Bukod pa dito, meron din siyang gustong balikan na project.
“Isa, dalawa na masaya, masaya din. And depende, I think, kung magiging maganda ang mga meetings, I think I will do another, I will do a game show again,” sabi ng aktres.
“Kung magiging maganda ang mga meetings. Pero wala naman sa kamay natin 'yun. So meron tayong ano e, mga hinihintay,” dagdag niya.
Sa ngayon, ayon kay Eugene, ang goal niya ay ipagpatuloy ang pag-entertain at pasayahin ang mga taong manonood sa kaniya, at maging loving wife sa kaniyang husband na si Danilo Bottoni.
Para naman kay Pokwang, gusto na niya umano ipagpatuloy ang kaniyang food business at dream restaurant na naudlot ng dalawang taon. Bukod dito, sinabi rin niyang gusto pa rin niya gumawa ng ilang mga projects.
“TV and movie kung talagang maganda yung kuwento, sabi ko kung maganda yung istorya and then siyempre, kung pipili na rin tayo like ng mga hosting, yan hindi puwedeng mawala yan, kasi love ko rin yan,” sabi ni Pokwang.
Dagdag pa niya ay gustong-gusto niya ang nakakapagpasaya ng mga tao, kaya patuloy pa rin siyang kukuha ng projects sa 2024.
BALIKAN ANG ILANG MGA LITRATO NINA POKWANG AT EUGENE SA SET NG PELIKULA NILA SA GALLERY NA ITO:
Nang pansinin ni Nelson na wala sa mga plano niya ang love life, ang sagot ni Pokwang, “hindi na muna siguro.”
Nilinaw niya na hindi ibigsabihin ay ayaw na niya magkaroong ng love life, ngunit mas pipiliin niya muna ngayon mag negosyo para sa mga anak niya.
“'Pag dumating, dumating yan mo lang yan diyan,” sabi niya.
Pakinggan ang buong interview nina Pokwang at Eugene dito: