
Pinusuan ng mga netizens ang kulit dance video sa TikTok ng award-winning comedienne na si Pokwang at ang SexBomb dancer na si Aira Bermudez.
Napabilib hindi lamang netizen, kundi pati mga celebrity nang humataw ang dalawa sa kanta ni Rochelle Pangilinan at Gloc-9 na “Baile.”
Umabot sa mahigit 92,000 likes at 800,000 views ang dance collaboration na ito ng dalawa.
@mamangpokwang27 Ang paghaharap nila tyang Lilian @airabermudez at aling Tarsing hahahaha #Baile #fyp kapag malayo pa sweldo bumaile ka muna kay @rocsolinap
♬ original sound - JHOVS (DjFrancine) 🎧🎶🎵🇵🇭
Heto naman ang ilan sa reaksyon ng celebrities sa viral TikTok video ng dalawa.
Napapanood ang dalawa sa prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kung saan gumaganap si Pokwang bilang si Aling Tarsing at si Aira ang nagpo-portray kay Lilian na kamag-anak ni Elsa Manaloto (Mikee Quintos).
May pagkakataon uli na mag-add ng bagong award si Pokwang ngayong taon, matapos ma-nominate sa 34th PMPC Star Awards for TV sa kategoryang Best Comedy Actress.
Kilalanin pa nang husto ang multi-awarded TV and movie actress na si Pokwang sa gallery sa ibaba.