GMA Logo pokwang
What's on TV

Pokwang, ayaw nang magkaroon ng lovelife; okay na sa mga anak

By Kristian Eric Javier
Published October 14, 2025 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

6-anyos na lalaki, sugatan ang kamay nang subukang paputukin ang isang boga
Camille Prats and family travel to California
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Bukas pa ba ang puso ni Pokwang para magmahal muli? Alamin dito:

May ilang taon na rin simula nang maghiwalay sina Pokwang at dati niyang partner na si Lee O'Brian. Kaya naman, tanong ng marami, handa na kaya muling magmahal ang batikang komedyante?

Sa pagbisita ng Stars on the Floor dance authority sa Fast Talk with Boy Abunda, kasama si Coach Jay Roncesvalles, nitong Lunes, October 13, ibinahagi ni Pokwang na pupunta siya sa Amerika para sa ilang shows doon.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Halimbawa, may nakasalubong ka na pakindat-kindat at nagpapahiwatig ng pagmamahal, nakabukas ba ang iyong puso para magmahal muli?”

Sagot ni Pokwang, "“Hindi na, wala na, Tito Boy, wala na. Ayoko na. Ayoko na po. Okay na okay na ako sa mga anak ko, okay na ako sa negosyo ko, okay ako sa career ko. I'm happy."

At kung sakaling bumalik ang naturang lalaki para muling magpapansin, pabirong sabi ni Pokwang, “Bilhan niya ako ng island.”

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE SA GALLERY NA ITO:

July 2022 nang kumpirmahin ni Pokwang na pitong buwan na silang hiwlay ni Lee. Ngunit paglilinaw ng comedienne at host, maayos at payapa ang paghihiwalay nila.

“Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia, natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. At mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon,” sabi ni Pokwang.

Ngunit ilang araw lang matapos nito, sa panayam sa kaniya sa 24 Oras, ay ibinahagi ni Pokwang na napagod na lang sila ni Lee kaya sila naghiwalay. Nilinaw din ng TiktoClock host na hindi third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Panoorin ang panayam kay Pokwang at Coach Jay dito: