
Mapapanood si Pokwang sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong 2026.
Ang aktres at host na si Marietta "Pokwang" Subong ay babalik sa pelikula bilang isa sa mga artistang bibida sa 2 Valid IDs.
Makakasama ni Pokwang sa pelikula sina Joey Marquez, Zaijian Jaranilla at Meryll Soriano. Ang 2 Valid IDs ay directed by Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, DGPI, at written by Abet Pagdagdagan Raz, FSG.
Samantala, sa Instagram story ni Pokwang, makikita ang kaniyang post tungkol sa pelikula.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
"Ako po si Marietta Subong bilang si Sylvia sa 2 Valid IDs ng Cinemalaya 2026.
Huling napanood sa Cinemalaya si Pokwang sa pelikulang Mercury is Mine noong 2016.
Abangan si Pokwang sa 2 Valid IDs sa August 2026.