What's on TV

Pokwang, gaganap bilang nanay na beauty contest raketera sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published July 3, 2021 9:49 AM PHT
Updated April 30, 2026 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) June 24, 2026 [HD]
Raps filed vs minor in Tacloban school shooting
The season's most anticipated portable fan is launching in the Philippines—here's what to expect

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang on MPK


Tampok si Pokwang bilang nanay na rumaraket sa mga beauty contest sa 'Magpakailanman.'

Ang komedyante at dramatic actress na si Pokwang ang bibida sa real-life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado.

Bibigyang-buhay niya ang episode na pinamagatang "Nanay Kontesera."

Kuwento ito ni Helen, isang inang maabilidad na gagawin ang lahat--mula sa pagtitinda, pangungutang at pati na pagsali ng mga beauty contest--para lang itaguyod ang kanyang mga anak.

Pokwang on MPK


Kayod-kalabaw si Helen, lalo na at may kapansan pa ang isa sa kanyang tatlong anak.

Naging tampulan ng pangungutya si Helen dahil sa paraan niya ng paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya.

Ang higit pang mas masakit, minamaliit ng kanyang sariling pamilya ang pagsali niya sa mga beauty contest.

Ayon sa aktres, parehong nakakatawa at nakakaiyak daw ang kanyang upcoming episode.

"Talagang bet na bet ko po 'yung role ko dito. I'm sure matatawa at maiiyak kayo. Ito po ay pinamagatang 'Nanay Kontesera,' ngayong Sabado na po 'yan dito lamang po sa GMA," lahad niya.

Bukod kay Pokwang, bahagi din ng episode si Boom Labrusca, Tart Carlos, Ayra Mariano at Gold Aceron.

Abangan ang "Nanay Kontesera," May 2, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: