What's Hot

Pokwang, biktima ng deepfake AI video: 'Ingat po tayo'

By Kristine Kang
Published October 17, 2025 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos admin maintained low inflation, strong economy in 2025 – Recto
Lifestyleverse: Quick tour inside Mandarin Bay in Boracay
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Iginiit ni Pokwang na hindi siya endorser ng kahit anong online sugal.

Isa sa mga dapat maging maingat ngayon online ang netizens ay ang deepfake videos, lalo na 'yung mga ginagamitan ng artificial intelligence (AI).

Kamakailan, isa sa mga nabiktima ng ganitong modus ang Kapuso actress na si Pokwang.

Sa kumalat na video, ipinapakita umano na iniendorso niya ang isang online gambling sa isang ad. Ngunit agad niya itong pinabulaanan.

Sa panayam kasama ang GMA Integrated News, nilinaw ng TV host na deepfake ang naturang video at mariing itinanggi ang pagkakaugnay niya sa ano mang uri ng sugal.

"Makapanood nito paki-block na lang. 'Di po talaga ako nag-e-endorse ng mga online gaming. Bilang ina, alam ko pong 'di maganda ang sugal sa pamilya, nakakasira po iyan. Ingat po tayo kasi ang lala talaga ng AI ngayon. Sobrang ang lala," babala ni Pokwang.

Ayon pa sa comedienne, kinuha raw ng scammers ang video mula sa isa niyang live selling session. Pinatungan ito ng AI-generated voice upang magmukhang totoo ang endorsement.

Bukod sa panayam, nagbahagi rin si Pokwang ng paalala sa kanyang social media accounts upang maiwasan ng iba pang netizens ang mga ganitong panloloko.

"AI alert!!!!" saad niya sa Instagram Story. "Hindi po totoo na nag-endorse ako ng online gambling na ito!"

Hinikayat ni Pokwang ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikita online at ugaliing mag-fact check bago maniwala o magbahagi ng impormasyon.

Tingnan ang ilang celebrities na umalma sa fake social media account gamit ang kanilang pangalan: