GMA Logo Pokwang and Mae Subong
Celebrity Life

Pokwang, binalikan ang simpleng buhay ng kanilang pamilya

By Maine Aquino
Published July 9, 2024 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang and Mae Subong


"Ngayon parang ang dami-dami mong pagdadaanan para maging masaya." - Pokwang

Inilarawan ni Pokwang ang kanilang simpleng buhay noon bago siya naging artista.

Habang nagluluto sila ng anak niyang si Mae sa kaniyang YouTube channel, ikinuwento ng TiktoClock host ang kaniyang buhay noon bilang Marietta Subong.

Kuwento ni Pokwang kay Mae, "Pagka uuwi kami galing ng school tapos umuulan, si Tito Obet mo noon nagbobote, hihintayin namin siya na maingreso na niya 'yung mga bote tapos darating siya may dala na siya na panghapunan. 'Yung mga iba kong kapatid nasa school pa tapos ang lakas-lakas ng ulan. Siyempre hindi kami kakain hanggang di kami kumpleto. Dose kami, kailangan magkasya sa amin."

Naging emosyonal si Pokwang nang balikan ang simpleng saya na makita lamang na ligtas na makakauwi ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.

"'Pag nakita mo sila nagdadatingan na sila, ang saya-saya ng pakiramdam. Nae-excite ka na ay safe na nakauwi. Naiiyak ako."

Dugtong ni Pokwang, "Simpleng saya, simple joy. Ngayon parang ang dami-dami mong pagdadaanan para maging masaya."

RELATED GALLERY: LOOK: Pokwang's most stunning photos

Ayon kay Pokwang, nakikita niya ngayon na mahal daw maging masaya.

"Kailangan mo sumabay sa ikot ng mundo sa kung ano ang uso ngayon, parang ang mahal-mahal maging masaya ngayon. 'Di ka lang sumabay, iba ka sa kanila."

Isa pang binigyang diin ni Pokwang na ang iba ay kailangan pa raw makapanakit para masaya ang kanilang buhay.

"Real talk again ha? Kailangan makapanakit ka ng kapwa para maging masaya, bakit ganoon? Hindi ba puwede tayo maging masaya lang na wala tayong sinasaktan na wala tayong nilalait, wala tayong minamaliit?"

"Nakakaiyak lang talaga 'pag binalikan mo yung dati," pagtatapos ng aktres.

Panoorin ang kuwento ni Pokwang sa kaniyang buhay noon dito:


SAMANTALA, BALIKAN ANG NAIPUNDAR NA SUMMER HOUSE NI POKWANG SA BATAAN