GMA Logo Pokwang
What's Hot

Pokwang, dismayado dahil sa nawalang pera sa mobile wallet

By Jansen Ramos
Published November 10, 2024 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Emosyonal si Pokwang nang malimas ang kanyang pera sa isang mobile payments service.

Kabilang si Pokwang sa mga dumaraming biktima ng unauthorized transaction sa mobile wallets.

Sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, November 9, ibinahagi ng komedyante ang kanyang pagkadismaya matapos mawala ang pera sa kanyang account sa mobile payments service na GCash nang hindi niya namamalayan.

Kalakip nito ang mga screenshot ng mga transaksyon na hindi niya ginawa bilang pruweba.

"Naghahanap buhay po ako ng marangal nagbibigay po ako ng hanap buhay sa mga single mom, tapos isang umaga pagka gising mo simot ang laman ng GCASH accnt???" hinaing ni Pokwang.

Aniya, nasa 30 unregistered cellphone numbers ang nag-claim ng kanyang funds gamit ang kanyang account.

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Nanggagalaiti niyang dagdag, "ibat ibang number na hindi naka rehistro halos nasa 30 numero na hindi naka rehistro!!! ano nangyare sa registered sim policy ngayon?"

Emosyonal si Pokwang sa pagkawala ng pinaghirapan niyang pera na mula sa itinaguyod niyang food business.

"Nakakaiyak binangon ko mag isa ang negosyong pinabayaan ng taong inasahan ko pinag katiwalaan ko pati ba naman dito naisahan parin ako?," dugtong na panaghoy ni Pokwang na tila pasaring sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian.

Humingi rin ang aktres at TV host ng tulong sa GCash para maiayos ang isyung ito.

Sabi niya, "Nakakaiyak talaga sana naman @gcashofficial tulungan nyo mga kagaya kong naghahanap buhay ng patas at nagbibigay ng hanap buhay din. 🥲🥲"

Sa sumunod niyang post, ibinahagi ni Pokwang ang pahayag ng GCash tungkol sa system reconciliation para matiyak ang seguridad ng account ng kanilang mga customer.

Sulat dito: "A few GCash users were affected due to errors in an ongoing system reconciliation process. This incident is isolated to a few users, and we assure our customers that their accounts are safe.

"We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing."

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Kasalukuyang napapanood si Pokwang sa daily variety show ng GMA na TiktoClock.

Mapapanood din siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit kung saan makakasama niya ang kapwa TiktoClock host niyang si Herlene Budol.