GMA Logo Pokwang in Stars on the Floor
Photo source: 24 Oras, Stars on the Floor
What's on TV

Pokwang, enjoy sa pag-judge sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published July 17, 2025 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang in Stars on the Floor


Tuwa at saya ang nararamdaman ni Pokwang sa kaniyang bagong role bilang isang hurado sa 'Stars on the Floor.'

Sa likod ng hatawan at puksaan, masaya si Pokwang maging bahagi ng dance authority dahil sa kaniyang natutunghayan na mga talento sa Stars on the Floor.

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Miyerkules, July 16, nage-enjoy daw si Dance Comedienne of the Dance Floor na mag-judge sa mga celebrity at digital dance stars.

Bukod sa kaniyang paghanga sa mga matitinding performances, inamin ni Pokwang na nahirapan din siyang pumili ng top dance star duo dahil sa sobrang gagaling ng mga dance stars.

"Jusko iba yung mga sayaw nila ngayon. Hindi na pang-tao, ewan ko ba," sabi ni Pokwang.

Dagdag nito, "Nahihirapan ako kasi lahat sila magagaling pero nage-enjoy kami."

Kasama ni Pokwang sa dance authority sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay.

Itinanghal naman na pinakaunang top dance star duo sina Thea Astley at JM Yrreverre. Sa ikalawang linggo, nagwagi naman ang duo nina Rodjun Cruz at Zeus Collins bilang pangalawang top dance star duo.

Patuloy na tutukan ang maiinit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin pa dito ang ibang dance authority: