
Nakibahagi sa pamimigay ng tulong ang TiktoClock hosts na sina Pokwang, Faith Da Silva, at Jayson Gainza sa mga naapektuhan ng bagyong Carina.
Dahil sa bagyong Carina ay maraming mga Pilipino ang nalubog sa baha, kinailangang lumikas, at mayroon ding mga nawalan ng mga tirahan.
Si Pokwang ay nag-post ng kaniyang pagtulong sa mga nasalanta sa bagyong Carina. Ang aktres at host ay inilahad na kasama niya sa pamamahagi ng tulong ang kompanyang ini-endorso.
RELATED GALLERY: Celebrities share their experience with Super Typhoon Carina
Ani Pokwang, "Thank you so much my @ultramega_ph family sa laging pag sagot sa aking hiling na tulong salamat po miss @jgl71 thank you nanay @iampebblesthefighter mga anghel na walang pakpak 😘🙏🏼"
Si Pokwang ay isa sa mga celebrities na stranded dahil sa bagyo. Ani Pokwang, hindi na siya nakauwi sa kanilang bahay sa Antipolo kahapon dahil sa matinding baha sa daan.
Tumulong naman sa Kapuso Foundation sina Faith at Jayson. Kasama nila ang ilan sa mga kapwa nila Sparkle artists sa repacking sa warehouse ng Kapuso Foundation.
Ayon sa post ng Sparkle, "In a heartwarming display of solidarity, Ashley Ortega, Shuvee Etrata, Olive May, Faith Da Silva, Jayson Gainza, Kim Perez, Elijah Alejo, Kirst Viray, Angel Leighton, and AZ Martinez rolled up their sleeves today to assist GMA Kapuso Foundation in repacking essential goods for their Typhoon Carina relief efforts."