
Excited nang makapagbigay ng ngiti ang actress at comedian na si Pokwang sa upcoming series na Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Lalong naging espesyal ang proyekto para sa kanya dahil ito ang unang teleserye niya sa loob ng tatlong taon.
"Siyempre excited ako kasi after three years, ngayon na lang ako ulit gagawa ng teleserye. Nakakatuwa din kasi 'di ba romcom. Magbibigay ka na naman ng saya at ngiti sa mga manonood," pahayag ni Pokwang.
Sa romantic comedy na ito, mapipilitang magkatrabaho ang dalawang taong polar opposites--ang geeky boss na si Richard Lim, karakter ni Ken Chan, at ang bubbly assistant na si Irene Pacheco, role naman ni Bianca Umali.
Bahagi ng serye si Pokwang bilang Becca Pacheco, ang devoted na single mother ni Irene.
Abangan ang world premiere ng Mano Po Legacy: Her Big Boss sa March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!