
Ipinakita na ni Pokwang ang kaniyang mga niluto para sa kaniyang PhP1,000 challenge.
Matatandaang namili si Pokwang sa isang talipapa sa Bataan para ipakita kung ano ang kaniyang maihahanda sa limang miyembro ng pamilya.
Ipinayo ni Pokwang sa nauna niyang vlog ay mainam na pumunta mismo sa palengke o kung saan mang pamilihan.
RELATED GALLERY: Inside Pokwang's summer house in Mariveles, Bataan
"Para maramdaman ninyo talaga, kailangan kayo mismo ang pupunta. You have to do it personally. Kailangan raramdamin ninyo."
Sa PhP1,000 ang nabili ng TiktoClock host ay gulay, mga panggisa, mantika, isda, bigas, at iba pa.
Sa kaniyang bagong vlog, kasama niya ang mga anak na sina Mae at Malia sa pagluluto ng mga ito. Nakagawa si Pokwang ng Sayote with Sardinas, Pinakuluang pritong isda, Tuyo with sawsawan, Tortang Sardinas with kangkong, at Dahon ng Ampalaya Sabaw Sardines.
Ayon kay Pokwang aabot ito ng dalawa hanggang tatlong araw.
Panoorin kung paano niluto ni Pokwang ang mga ito:
Samantala, mapapanood si Pokwang Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa TiktoClock.
BALIKAN ANG MGA SWEETEST PHOTOS NINA POKWANG AT MALIA RITO: