
Ibinahagi ni Pokwang kung ano ang nangyari sa kanyang itinayong online food business na Mamang Pokwang's Gourmet.
Ang Mamang Pokwang's Gourmet ay ang kanyang food business kung saan nagbebenta ang TiktoClock star ng gourmet tuyo, tinapa, laing, at iba pa. Kasama rin dito ang kanyang sumikat na roasted chicken.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
Sa isang Instagram post, nagbigay ng update si Pokwang kung ano na ang nangyari sa kanyang food business na sumikat online.
Ani Pokwang, magsisimula siya muli sa 2024. "Sa mga nagtatanong nasaan na ang @mamangpokwangs_gourmet #tuyo #tinapa #laing #sukà #alamang #aligue at roasted chicken??? well 2024 ang muli kong pagbangon."
Dugtong pa ni Pokwang ay pinapaganda niya pa ang kanyang kusina para sa nalalapit nitong pagbubukas sa 2024.
RELATED GALLERY: #GirlBoss: Pinay celebrities and their successful businesses
"Pinapaganda ko po ang commissary kitchen po. Mas malaki mas malawak, mas peaceful, wala na si alam nyo na haahhahaha."
Sa susunod na taon ay makakasama na raw niya ang anak sa pag-manage nito.
"Ako at anak ko ang mag manage hindi yung tao na pinagkatiwalaan ko pero dinurog ako! 2024 abangan ang muling paghasik ng biyaya"
Bago nagsimula ang Mamang Pokwang's Gourmet ay matatandaang nagnegosyo rin si Pokwang at ang kaniyang ex-partner na si Lee O'Brian ng PokLee Food Products.
December 2022 nang magbigay ng babala si Pokwang sa publiko sa mga nagbebenta umano ng pekeng produkto.
SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST MOTHER AND DAUGHTER PHOTOS NINA POKWANG AT MALIA: