
Very happy daw ang young stars na sina Miggs Cuaderno, Kyle Ocampo, at Shecko Apostol na makatrabaho ang actress at comedienne na si Pokwang sa "Yaya Terror," ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Ibinahagi ng tatlo sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan na humanga at na-inspire sila habang pinapanood kung paano magtrabaho si Pokwang.
"'Yung range ng acting niya, nakakagulat. Known siya for her comedic skills pero kaya rin niya mag-drama so nakakabilib. Namo-motivate at nai-inspire ako to work more on my craft sa pag-arte and to enter workshops," bahagi ni Miggs.
Isang simple pero mahalagang tip din daw ang naibigay ni Pokwang kay Kyle.
"Sinabi niya kasi sa amin na kung ano 'yung character mo, pag-aralan mo. Hindi 'yung babasahin mo lang, okay na kasi parang walang laman 'yung character mo. Kailangan aralin mo kung sino ka ba dito," kuwento ni Kyle.
Bilang baguhang artista, isang honor naman para kay Shecko na makatrabaho si Pokwang.
"Sobrang saya ko po noong una kong nalaman na si Ms. Pokwang po ang makakasama ko dito dahil alam ko po na marami akong matututunan sa kanya. Nakita ko po na sobrang gaan niyang katrabaho," lahad ni Shecko.
Sa episode na "Yaya Terror," gaganap si Pokwang bilang Mila, ang longtime Yaya ni Jerome, karakter naman ni Miggs.
Nagbibinata na si Jerome kaya gusto niya ng kalayaan habang mas nagiging istrikto naman sa kanya si Yaya Mila.
Sina Kyle naman ay si Angel at si Shecko ay si Patrick na mga kaibigan ni Jerome na hindi pinapaboran ni Yaya Mila dahil sa tingin niya, bad influence ang mga ito sa alaga.
Abangan ang kuwento ng "Yaya Terror," February 20, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: