
Sa rehearsal palang ay puno na agad ng good vibes at happy time sa TiktoClock!
Sa Instagram post ng isa sa hosts ng TiktoClock na si Pokwang, makikita ang kanilang rehearsal sa studio. Kasama rito ang kaniyang co-hosts na sina Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Nakita rin sa rehearsal na ito sina Jayson Gainza at Faith Da Silva, na nakakasama nila tuwing weekday morning sa TiktoClock.
Saad ni Pokwang sa kaniyang post, "Ganito kasaya mga off cam na ganap sa aking @tiktoclockgma fam hahahahaha."
Ayon pa kay Pokwang, kahit di pa sila nagsisimula ng taping ay nakikita na ang energy at saya nila sa paghahanda sa programa.
"Rehearsals palang masaya naming ginagawa 😃🤣😀😄 kaya pagpatak ng 11:15am Mon to Friday makisaya na sa @tiktoclockgma only on @gmanetwork "
Dugtong pa ng Kapuso star, "Ganito kasaya mga off cam na ganap sa aking @tiktoclockgma fam hahahahaha rehearsals palang masaya naming ginagawa 😃🤣😀😄 kaya pagpatak ng 11:15am Mon to Friday makisaya na sa @tiktoclockgma only on @gmanetwork"
Huwag magpahuli at patuloy lamang na sumubaybay sa exciting na games at pamimigay ng blessings ng TiktoClock!
Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.
SAMANTALA, BALIKAN ANG BONDING NINA KUYA KIM, POKWANG, AT RABIYA SA ZAMBOANGA: