
Ipinakita na ni Pokwang ang mga napamili niya sa isang talipapa na nagkakahalagang isang libong piso.
Noong nakaraang buwan ay ipinaalam ni Pokwang sa kaniyang mga followers na sumabak siya sa PhP 1000 challenge. Pumunta siya sa isang talipapa sa Mariveles, Bataan para subukang mamili gamit lamang ang nasabing halaga.
Nais ipakita ni Pokwang sa video na ito kung saan aabot ang PhP 1000 para sa limang tao.
RELATED GALLERY: Inside Pokwang's summer house in Mariveles, Bataan
Ayon sa TiktoClock host, iluluto niya ang mga nakalakihan niyang mga pagkain.
"So magluluto tayo ng gulay na lutuin namin noong bata kami at kung paano kami naka-survive gamit ang sardinas at tuyo."
Sa halagang PhP 1000 ay nakabili si Pokwang ng mga gulay, mga panggisa, mantika, isda, at iba pa.
Payo ni Pokwang sa mga nanood ng kaniyang video, kailangan ay sila mismo ang mamili.
"Para maramdaman ninyo talaga, kailangan kayo mismo ang pupunta. You have to do it personally. Kailangan raramdamin ninyo."
Dugtong pa niya, mas mainam na makita talaga ang mga bilihin ngayon.
"Hindi pwede 'yung narinig lang na ganito, sinabi na ganito na ganito ang kilo. Iba kasi ang kayo mismo ang nandoon para ramdam ninyo talaga."
Panoorin ang video ni Pokwang dito at abangan ang mga ihahanda niyang mga pagkain gamit ang mga sangkap na ito sa kaniyang YouTube channel:
Samantala, mapapanood si Pokwang Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa TiktoClock.
BALIKAN ANG MGA SWEETEST PHOTOS NINA POKWANG AT MALIA RITO: