GMA Logo Pokwang
What's Hot

Pokwang is now a Kapuso!

By Maine Aquino
Published June 18, 2021 10:01 AM PHT
Updated June 18, 2021 11:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


It's official! Isa nang ganap na Kapuso ang comedy actress na si Pokwang. Alamin ang detalye DITO:

Opisyal nang inanunsyo ang pagiging bahagi ni Pokwang ng GMA Network bilang bagong talent ng GMA Artist Center ngayong Biyernes, June 18.

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter)

Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat ang aktres sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA Network at GMA Artist Center.

Aniya, "This is it… thank you po @ArtistCenter @gmanetwork papa God, at sa inyong lahat salamat po sa pagkakataong muling maihatid at maibahagi ko ang aking talento sa inyong lahat na tunay na nagmamahal at sumosuporta."

Pokwang

Photo source: @itspokwang27

Unang naging bali-balita ang paglipat ni Pokwang nang mag-post siya ng larawan na kuha mula sa isang dressing room sa loob ng GMA Network compound.

Dito ay nagpasalamat ang aktres sa mga bagong blessing na kanyang natanggap.

"Goodmorning 🙏🏼❤️ minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo Lord God 🙏🏼 pero sa pagkakaalam ko nararapat lang na ikay pasalamat sa lahat ng ganap sa aking buhay maganda man o hindi dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka survive 🙏🏼 i love you at salamat po..... #Backtowork"

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Unang nakita si Pokwang sa GMA Network nang mag-guest ito sa Eat Bulaga noong June 2020.

Abangan si Pokwang sa Kapuso network sa mga darating na araw.

Samantala, tingnan ang fun facts tungkol kay Pokwang sa gallery na ito: