
Masayang nag-bonding sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo nitong Biyernes, June 3.
Sina Pokwang, Kuya Kim, at Rabiya ang magiging host ng bagong Kapuso show na TiktoClock, isang one-of-a-kind countdown variety show kung saan every minute counts na magsisimula sa July 2022.
Photo source: @itspokwang27/ @kuyakim_atienza/ @rabiyamateo
Sa isang Instagram post ng comedy actress, inihayag niya ang kanyang excitement sa pagsasama nilang tatlo sa isang Kapuso project.
Ayon pa kay Pokwang, isang biyaya ang mapabilang sa bagong proyektong ito.
"Masasabi ko itong, isa nanamang biyay. thank you po Lord, my @gmanetwork and my @sparklegmaartistcenter family yeheeeyyy SOON! excited at udong udo na to work with you direk @direklouieignacio @kuyakim_atienza and of course ang hahabol sa ganda ko na sana wag syang hingalin @rabiyamateo hahahhahaaaa KAPE!!!"
Sagot naman ni Kuya Kim sa post ni Pokwang, "Excited na ako pokie. 12 years nating hinintay ito :)"
Nakita rin sa Instagram story ni Rabiya ang post na ito, kung saan sinabi ng Miss Universe Philippines 2020, "Another blessing."
Abangan soon ang sina Pokwang, Kuya Kim, at Rabiya bilang TiktoClock Tropa sa GMA Network.
Samantala, silipin ang bahay ni Pokwang sa Antipolo sa gallery na ito: